
Dalawang buwan pa lang nagmamaneho, pero super proud daw si Kapuso comedian Tekla na nakabili siya ng bagong sasakyan.
"Sanay ako sa bukid eh. Ang mga transportation namin doon kalabaw, kabayo. 'Di ba kadalasan 'pag may kotse, second hand? Ito brand new at talagang galing sa katas ng pinaghirapan mo," bahagi niya.
May pangalan pa nga ang kanyang kotse, na hango sa pelikula na nagbigay daan para mabili ito.
"Si Kiko. Pinangalanan ko siya noong first movie ko na Kiko en Lala. Katas nung Kiko en Lala 'to," aniya.
Bukod daw dito, simbolo din daw ito ng pagbangon niya mula sa mga dating bisyo.
Sa ngayon daw ay nag-iipon si Tekla para sa bagong bahay.
"Nasa sarili mo. Ikaw mismo talaga ang magdadala ng swerte mo," pahayag niya.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras:
EXCLUSIVE: Boobay at Tekla, may pangako pagkatapos ang first anniversary ng 'TBATS'
WATCH: Super Tekla and daughter Theora Aira finally reunited after one year