What's Hot

WATCH: Tetay, mala-Kris Aquino sa pagsagot ng isang Filipino quiz

By Marah Ruiz
Published August 22, 2018 2:37 PM PHT
Updated August 22, 2018 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS logs 400 back-to-back earthquakes in Kalamansig, Sultan Kudarat
Over 150 cellphones stolen during Sinulog fest recovered
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



Paano nga ba gamitin ang 'nang' at 'ng'? Alamin kung ano ang tamang gamit ng ilang mga salita sa panayam ni Tetay kay Roy Rene "RR" Cagalingan, tagapagsalita ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Simula pa lang ng kanilang panayam, marami nang natutunan si Kapuso comedian Tetay sa kanyang panauhing si Roy Rene "RR" Cagalingan, tagapagsalita ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Pinuna kasi ni RR ang paggamit ni Tetay ng salitang "kakagising."

"Tetay, teka lang. 'Yung kakagising dapat ay kagigising dahil ang inuulit natin ay 'yung salitang ugat. 'Yung unang pantig ng salitang-ugat na 'gising' 'yung 'gi,' kaya kagigising hindi kakagising," paliwanag niya.

Matapos nito, sumabak sa isang quiz si Tetay sa mga karaniwang pagkakamali sa wikang Filipino.

Dito, kailangan niyang piliin ang tamang gamit ng mga salitang "bukod" at "liban," "nang" at "ng" at iba pang mga salita.

Ano kaya ang final score ni Tetay? Panoorin ang online exclusive video na ito para sa Buwan ng Wika.