What's Hot

WATCH: That's My Bae Miggy Tolentino, humingi ng tawad matapos masangkot sa away sa sinalihang basketball game

By Aedrianne Acar
Published July 14, 2017 10:46 AM PHT
Updated July 14, 2017 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano had 338 rockfalls, 72 PDCs —PHIVOLCS
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpakumbaba si Miggy at humingi ng paumanhin sa kanyang nakaalitang referee.

Humingi ng tawad ang That’s My Bae member na si Miggy Tolentino sa mga tao na na-disappoint matapos siya masangkot sa isang away sa sinalihang basketball game sa Caloocan City.

Ayon sa report ng 24 Oras, sinugod diumano ng Eat Bulaga heartthrob ang nakaaway na referee na si Tonton Fajardo.

WATCH: 'EB' Bae na si Miggy Tolentino, napaaway dahil sa basketball game

Sa follow up report ng Chika Minute kahapon, July 13, nagkaayos na si Miggy at Tonton nang magharap sa barangay para sa isang mediation.

Umamin din ang aktor sa kasalanan niya at tinanggap naman ito ng nakaalitan niyang referee.

Nagpakumbaba naman si Miggy at humingi ng paumanhin nang magbigay ng pahayag sa 24 Oras.

Aniya, “Sa mga ‘yun na-disappoint ko na namba-bash pasensiya na rin po sa inyo. Pinapangako ko po na hindi na ito mauulit."


Video courtesy of GMA News