
Sa September 10 episode ng Kapag Nahati Ang Puso, matagumpay na nakuha ni Miranda (Bing Loyzaga) ang royal gown habang si Rio (Sunshine Cruz) naman ang inulan ng sisi dahil sa pagkawala nito.
Sinulsulan pa ni Miranda ang ina ni Bernice (Kelley Day) at sinabing mukhang inside job ang nangyari para makuha ni Rio ang Jewel of Jeimur.