What's Hot

Watch 'The Voice Kids' for a chance to win up to PhP50,000!

By Jansen Ramos
Published October 29, 2025 9:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Study shows human rights concerns still present in PHL
Alex Eala gets wildcard spot in Berlin Tennis Open
Nigerian embassy releases statement on the death of Divine Adili

Article Inside Page


Showbiz News

the voice kids gma watch and win promo


Mga Kapuso, may PhP5,000 daily cash prize at PhP50,000 na naghihintay sa inyo sa 'The Voice Kids' at sa iba pang shows ng GMA! Alamin dito:

Mga Kapuso, may maagang Pamasko ang GMA dahil may chance kang manalo ng instant cash prize sa GMA Watch and Win Promo.

Manood lang ng The Voice Kids on-air tuwing Linggo, at abangan ang QR code at code of the day na lalabas sa inyong TV screens.

I-scan ang QR code para mapunta sa GMANetwork.com/WatchAndWin. I-register ang inyong full name, complete address, birthday, at contact number, at i-type ang code of the day.

Bukas lang ang entry form sa partikular na oras (6:00 p.m. to 11:00 p.m. kapag Linggo) kaya siguraduhing laging nakatutok sa GMA-7.

Isang viewer ang mananalo ng PhP5,000 daily at isang lucky Kapuso ang mag-uuwi ng PhP50,000 sa grand draw na magaganap sa December 15, 2025.

More entries submitted, more chances of winning kaya sali na sa GMA Watch and Win promo!

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang GMANetwork.com/WatchAndWin.

Hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang The Voice Kids ay isang singing competition na kinatatampukan ng all-star lineup of coaches na handang magbigay ng inspirasyon sa susunod na henerasyon ng young singers.

Muling nagbabalik sa kanilang iconic red chair sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at ang international singer, dancer, at host na si Billy Crawford. Kasama nila ngayong season ang hitmaker, singer-songwriter, at producer na si Zack Tabudlo, at ang kauna-unahang Double Chair na tampok ang kambal na sina Miguel at Paolo ng sikat na bandang Ben&Ben.

Mapapanood ang The Voice Kids tuwing Linggo, 7:00 p.m., pagkatapos ng Bubble Gang sa GMA.

SAMANTALA, BALIKAN ANG WINNING MOMENTS NG REIGNING THE VOICE KIDS CHAMP NA SI NEVIN GARCENIGEO.