
Kumasa ang viral teacher na si Candy Cabusog o mas kilala bilang "Ma'am Momoland" sa dance challenge ng Unang Hirit kahapon, June 15.
Todo-hataw ang guro sa pagsayaw ng "BBoom BBoom" sa kanyang first live performance on television. Kasama niyang umindak ang grupo mula sa Quezon City Bureau of Fire Protection at ang PNP-SAF trainees na galing pa sa Pampanga.
Mahigit tatlong milyong views na ang kanyang viral dance video kung saan siya ang lider ng morning exercises sa Mabinay Central School sa Negros Oriental. Dahil dito, lubos siyang natuwa sa pag-feature sa kanya ng Kapuso Mo, Jessica Soho at ng 24 Oras.
"Na-inspire po sila. Sabi nila, nakaka-good vibes talaga ako [dahil] sa pagsasayaw ko," bahagi niya sa panayam ni Lhar Santiago.