
Sinalubong nina Waynona Collings at Reich Alim ang outside world nang may taos-pusong pasasalamat, dala ang mga natutunan nila sa loob ng Bahay ni Kuya.
Sa kanilang panayam sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, November 17, ibinahagi ng ex-PBB housemates na wala itong babaguhin sa kanilang PBB experience.
“Siguro for me, honestly, hindi po talaga ako nag-e-expect ng anything. Kasi 'yung mindset ko po going inside the house is to experience and have fun po talaga and siguro learn more about myself,” pahayag ni Waynona.
Katulad ng Sparkle artist, hindi rin nag-expect si Reich dahil naniniwala siyang wala siyang kontrol sa opinyon ng mga tao sa outside world.
“Honestly po, I am not really expecting anything po talaga. Whatever happens, happens po 'cause hindi niyo po talaga ma-e-expect kung paano 'yung voting sa labas, it's really up to the people kung sino 'yung pipiliin,” aniya.
Sa loob ng 22 araw na kanilang stay sa PBB house, aminado ang dalawa na marami silang natutunan at pinapahalagahan nila ang bawat nangyari sa loob ng Bahay ni Kuya.
“Wala pong babaguhin at all, kahit na 'yung moments na sobrang umiiyak ako kasi ang dami pong nangyari in the span of 22 days, sobrang daming nangyari even one day pa lang, ang dami nangyari so para sa akin,” ikinuwento ni Waynona.
Dagdag pa niya, “I won't change a thing.”
Ibinahagi ng Sparkle artist na may natutunan din siya sa kanyang sarili.
“Leadership. That I can lead. That to lead is to do first, and I feel like leading comes with discipline,” aniya.
Samantala, natutunan naman ng Star Magic artist na magkaroon ng lakas ng loob na makipagusap sa ibang tao at maging open sa kanyang nararamdaman.
“For me, I really learned how to communicate better kasi outside, I don't really talk to people, so going inside, that's when I really learned how to talk about my feelings,” sabi ni Reich.
Ang unang eviction night sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ay ginanap noong Sabado, November 15.
Huwag palampasin ang iba pang kaganapan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang pinag-uusapang reality competition ng live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na mapapanood sa link na nasa ibaba.
RELATED GALLERY: The alluring looks of Waynona Collings