GMA Logo Waynona Collings, Caprice Cayetano
Courtesy: waynonacollings (IG), capcaprice (IG)
What's Hot

Waynona Collings, itinuturing na bunsong kapatid si Caprice Cayetano

By EJ Chua
Published November 20, 2025 1:59 PM PHT
Updated November 20, 2025 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds flood-resistant school building in Camarines Sur
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?

Article Inside Page


Showbiz News

Waynona Collings, Caprice Cayetano


Tila miss na ng ex-'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' housemate na si Waynona Collings si Caprice Cayetano.

Labis na ikinalungkot ng marami, lalo na ng housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ang maagang paglabas nina Waynona Collings at Reich Alim mula sa Bahay Ni Kuya.

Isa sa kanila ang fellow Sparkle star ni Waynona na si Caprice Cayetano.


Matatandaan na naging emosyonal si Caprice sa first eviction night nang marinig niya na si Waynona ang isa sa mga babalik na sa outside world.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Waynona Collings sa GMANetwork.com ang reaksyon niya sa naramdaman ni Caprice tungkol sa kanya sa naturang eviction night.

Pahayag ni Waynona, “Nung napanood ko 'yung episode, hindi ko alam na ganon 'yung magiging reaksyon niya (Caprice)... Even before that, sinasabi ko na sa kanya na nandito lang ako, kaya mo 'to.”

Kasunod nito, pinuri pa ng Sparkle star si Caprice, “Sobrang lakas ni Caprice, imagine 16 years old, papasok sa Pinoy Big Brother and ganon 'yung mindset niya.”

“I'm so sad kasi bunso ko talaga 'yon (Caprice),” pahabol pa niya patungkol sa pagkakalayo nila ngayon ng kapwa niya Sparkle artist.

Bukod kay Caprice, naging ka-close rin ni Waynona sina Reich Alim, Lella Ford, at iba pang Kabataang Pinoy housemates.

Samantala, abangan ang susunod na updates at mga kaganapan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show nang live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'