GMA Logo PBA Motoclub
PHOTO SOURCE: Facebook: Pbamotoclub
What's Hot

'We Got Scammed': PBA Motoclub exhibition game sa Poland, hindi natuloy

By Maine Aquino
Published June 22, 2026 7:32 PM PHT
Updated June 22, 2026 7:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sam Verzosa denies involvement in Rhian Ramos' legal issues
60 GenSan families call for relocation due to landslide threat
This luxury brand is elevating pet care with dermatology and skin treatments

Article Inside Page


Showbiz News

PBA Motoclub


Ikinuwento ni Paul Artadi ang kanilang naging experience sa Poland matapos ma-cancel ang basketball exhibition game ng ex-PBA players.

Hindi natuloy ang basketball exhibition game ng PBA Motoclub sa WKK Sport Center sa Wroclaw, Poland noong June 21, 2026, matapos umano silang hindi mabayaran ng kanilang talent fee.

Ang PBA Motoclub ay isang samahan ng dating Philippine Basketball Association (PBA) players na pinagsasama ang kanilang hilig sa basketball at motorsiklo. Kabilang sa mga bumiyahe patungong Poland sina Rico Maierhofer, Jayjay Helterbrand, PJ Simon, JC Intal, Jerwin Gaco, Ryan Araña, at Paul Artadi para sana sa nasabing exhibition games.

Ayon sa kuwento ng dating PBA player at San Juan City Councilor na si Paul sa kaniyang social media post, hindi sila nakapaglaro dahil hindi binayaran ng Filipino event organizer ang kanilang talent fee.

Saad niya, “We got scammed. Big time!"

Ipinakita rin niya sa video ang mga Pilipinong bumili ng ticket para manood.Kuwento niya, "Mula pa sa Warsaw. Bumili pa sila ng ticket, pero wala. Nganga!"

Dugtong pa ni Paul sa kaniyang video, “Hindi kami nakalaro kasi hindi kami binayaran ng talent fee so we are sorry... Pero walang may gusto, di ba?”

Kahit hindi naging maganda ang experience, sinabi ni Artadi na nagsilbi itong mahalagang aral para sa kanilang grupo.

“Lesson learned talaga. Mabait ang PBA Motoclub… bad experience ito. Limang oras ang biyahe papunta, limang oras pabalik, tapos hindi natuloy,” kuwento niya.

Sa parehong video, ibinahagi rin ng grupo ang hirap ng kanilang biyahe patungong Wroclaw, pati ang pagkadismaya ng mga Pilipinong fans na umaasang makakanood ng kanilang laro.

“Kawawa yung mga Pilipinong naloko,” ani Artadi.

Nagpaalala rin siya sa publiko na maging mas maingat sa ganitong mga pagkakataon.

“Ingat po tayong lahat. Ingat, ingat.”

Samantala, nagbigay rin ng pahayag si Jeck Maierhofer, asawa ni Rico Maierhofer, hinggil sa nangyari.

Ayon sa kanya, tumanggap sila ng apat na bookings sa UK at Europe—sa Sunderland, London, Dublin, at Poland—mula sa iba't ibang organizers.

“Na-scam sila but in fairness sa Poland organizer, gumawa naman siya ng kontrata at nangakong babayaran ang expenses paunti-unti,” ani Jeck.

Dagdag pa niya, nagpahayag na siya noon pa man ng pag-aalala at mungkahing kanselahin ang event kung hindi kayang maibigay ang talent fee.

Sa kabila nito, pinili pa rin ng grupo na tingnan ang karanasan bilang isang aral kaysa sisihan.

“Walang perfect na organizer o event… Ang importante yung willingness at puso na itama ang pagkukulang. Lesson learned—enjoy na lang tayo,” saad niya.