
Ipinasilip ng Abot-Kamay Na Pangarap cast ang ilang eksena sa pinakaaabangang wedding nina Lyneth at Carlos, ang mga karakter nina Carmina Villarroel at Allen Dizon sa serye.
Nagpahapyaw sila ng ilang behind-the-scenes tungkol sa wedding na napanood sa "Chika Minute" report na ipinalabas sa 24 Oras nito lamang November 7, 2023.
Isang blooming bride si Lyneth sa ilang mga eksena nila ni Carlos.
Ayon kina Carmina at Allen, dapat umanong tutukan ng viewers kung ano ang totoong mangyayari tungkol sa kanilang wedding bilang sina Lyneth at Carlos.
May pahapyaw din ang dalawa tungkol sa twists sa ilang eksena.
Pahayag ni Allen, “Dapat nilang abangan… ng mga tao para malaman nila kung totoong matutuloy ang kasal namin ni Lyneth.”
Sabi naman ni Carmina, “Kasi mayroong dream, may dream talaga… Hindi natin alam kung ito ba 'yung dream o 'yung isa. 'Yun ang dapat nilang abangan, parang may naganap na dalawa.”
Samantala, boto raw si Doc Analyn (Jillian Ward) sa kaniyang ama na si Doc RJ (Richard Yap) para sa kaniyang ina na si Lyneth.
Mangyayari kaya ang most-awaited "I do's?"
Panoorin ang report sa ibaba:
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.