Who among our Kapuso stars counted the seconds to 2015? By AEDRIANNE ACAR
Goodbye 2014. Hello 2015!
Libo-libong mga Kapuso natin ang dumagsa sa magarbong GMA-7 Countdown 2015: The GMA New Year special sa SM Mall of Asia.
Matindi ang pasabog sa opening number pa lang nang humataw at bumirit ang 2014 Aliw award winner na si Jonalyn Viray.
Isang hot and sexy number ang nasaksihan din ng mga Kapuso nang mag-perform ang Starstruck Ultimate female Survivor na si Jennylyn Mercado suot ang kanyang red outfit.
Oozing with sex appeal ang Kapuso mom na inabangan ng mga kalalakihan habang kumakanta ng Girl on Fire.
Ilan sa Kapuso celebrities na nakisaya sa year end countdown ay sina Queen of Soul Jaya, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, starbuilder German Moreno, Lovi Poe, Alden Richards, Mark Herras at Glaiza de Castro.
Hindi rin nagpahuli sa selebrayon ang celebrity chef at Basta Everyday Happy host Chef Boy Logro na nagluto pa ng isang katakam-takam na putahe.
Isa namang bonggang fireworks display ang nasaksihan ng mga dumalo pagkatapos ng programa.