GMA Logo Wendell Ramos and family
Source: wendellramosofficial/IG
Celebrity Life

Wendell Ramos paano ipinaliwanag kay Saviour ang kanilang blended family setup?

By Kristian Eric Javier
Published October 31, 2024 1:59 PM PHT
Updated October 31, 2024 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Wendell Ramos and family


Sabi ni Wendell Ramos na hindi niya iniwan sa ere ang anak na si Saviour Ramos at ipinaliwanag niya mabuti ang pagkakaroon nila ng blended family

Hindi madali para sa isang anak na lumaki sa isang blended family, katulad na lang ng pamilya ni Wendell Ramos. Kuwento ng Shining Inheritance actor, para maging madali ang pagpapalaki niya sa anak na lalaki at kapwa aktor na si Saviour Ramos, bata pa lang ay ipinaliwanag na niya ang lahat.

Sa vlog ng talent manager at entertainment reporter na si Ogie Diaz, ikinuwento ni Wendell na bata pa lang ay ipinaliwanag na niya kay Saviour, na minsan rin nilang tinatawag na Dedel, kung ano na ang magiging buhay nila matapos makasal ang aktor sa asawa nito ngayon na si Kukai.

Inamin din ni Wendell na merong confusion at epekto ang sitwasyon ng pamilya nila kay Saviour. Ngunit thankful ang aktor na hindi nila naiparamdam sa anak nila ni Jet Magdandal na nasa gitna ito.

“I'm very thankful and blessed enough talaga du'n sa part na 'yun kasi hindi namin naiparamdam, hindi man perpekto pero hindi namin naiparamdam du'n sa anak kong lalake na parang nasa gitna siya, lost siya du'n sa part na 'yun,” sabi ni Wendell.

Pagpapatuloy pa ng aktor, “Kasi 'yun din ang naging deal ko sa aking asawa, si Kukai, na we have to treat him na mas sobra kasi I came from a broken family also.”

TINGNAN ANG BLENDED FAMILIES NG IBA PANG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Wendell ay noong mga bata pa sila at nagkahiwalay ang mga magulang niya, hindi niya naranasan na paliwanagan siya ng mga ito.

“Nu'ng bata kami, hindi namin na-experience na ikuwento sa amin, parang bigla na lang dadating kami, okay, sila na mga magulang namin, okay separated. Then pagpunta ko sa andu'n kami sa father ko muna, 'O ito na 'yun asawa ko, 'yan na 'yung tita niyo.' Ganu'n lang, mahirap 'yun,” sabi ng aktor.

Dagdag pa ni Wendell, “Hindi ko talaga masasabi na na-left alone or naiwan sa ere, na-confuse. But siyempre, 'yung bata nagtatanong din siya in a way sa sarili naman niyang puso.”

Dahil din sa pagpapaliwanag at pagpapalaki nila kay Saviour ay hindi nanibago ang young actor nang magkaroon siya ng kapatid kay Kukai, ang Sparkle artist at singer na si Tanya. Sa halip, na-excite pa umano ito.

Ngunit pag-amin ni Wendell, maaaring naging unfair siya hindi lang kay Tanya, kundi maging kay Kukai dahil nakabaling pa rin ang atensyon niya kay Saviour. Aniya, niloloko pa siya ng asawa niya na mas paborito niya si Savior, ngunit pinabulaanan ito ni Wendell at sinabing gusto lang niyang tutukan ang anak na lalaki.

Paliwanag ng aktor, “Kasi there's a possibility, 'wag naman sana, na kahit napalaki ko siya nang eto 'yung pinatanggap ko sa kaniya, meron pa ring 'pag nakita niya kami (Kukai, Tanya, and their baby) pa rin 'yun whole e, kami pa rin 'yung buong-buo.”