
Aminado si Kris Aquino na ilang taon na lang ay magsisimula na ring makipag-date ang bunsong anak niyang si Bimby.
Si Bimby ang 11-year-old son niya sa dating asawa at basketball player na si James Yap.
Sa kanyang three-part “Life Update,” natanong si Kris ng entertainment editor na si Anna Pingol kung handa na siyang magka-love life si Bimby.
Sabi ni Kris, minsan nakakalimutan niyang nagbibinata na ang kanyang anak.
“You forget, e. He's 5'8” but he's only 11, so siguro kapag nag-13.
“Pero sinabi ko sa kaniya he could date at 14 pero sasama ako,” natatawang sabi ng TV host/actress/celebrity influencer.
Sumunod ay tinanong ni Anna si Kris, “Kakayanin mo ba kapag na-in love na si Bimby?”
Agad na sagot ni Kris, “No! My god, I'm gonna bully the mother.”
Pinaalalahanan siya ng entertainment editor, “Eleven pa lang 'yan, ha, kapag nag-13 'yan…”
Sambit ni Kris, “Fourteen, sinabi ko, 'Please wait.' Sabi niya, 12. No!”
Kung sakaling dumating ang panahong ito, nasabi na raw ni Kris kay Bimby ang magiging reaksiyon niya.
“Sinabi ko sa kanya, 'I'm not gonna bully your girlfriend. I'm just gonna bully the mother."
“At least, lahat ng nanay winarning ko na, prepared kayo.”
At babala niya sa mga babaeng mananakit sa damdamin ni Bimby, “Kapag pinaiyak ang anak ko, maghanda kayo!
“Maghanda talaga kayo sa akin! Lahat ng mga sasakyan n'yo, isa-slash ang mga wheels.”
LINK: Kris Aquino says she'll leap at opportunity to work with Jessica Soho, Willie Revillame
Samantala, simple lang naman daw ang hiling ni Kris kay Bimby sa kaniyang magiging girlfriend.
Aniya, “I just have requirements… bakit ka napa-'Oh, my god?'
“Hindi, simple lang yung requirements ko.
“I have to get along with the mom.
“Second, she has to have good skin.
“Mababaw ba 'yon? And sabi ko, dapat she has to read a lot.”
Muling pinaalalahanan ni Anna si Kris, “Alam mo ngayon, napagsasabihan mo pa 'yan, 11, pero kapag na-in love 'yan…”
Agad na singit ni Kris, “Iyak na lang ako. Kapag umiyak na ako, hindi na niya ako matitiis.”
Panoorin ang kabuuan ng “Life Update” ni Kris dito: