
Sa ikalawang linggo ng What's Wrong with Secretary Kim, mas tumitindi ang kilig sa pagitan ng guwapo at matinik na young CEO na si Franco Lee (Park Seo-joon) at ang kanyang highly-reliable na secretary na si Macy Kim (Park Min-young).
Dahil sa tukso ng mga kaibigan, sinubukan ni Secretary Kim na mag-blind date, pero kakaiba pala ang lalaking kanyang makakasama. Dito ay naalala niya ang isang mapait na karanasan sa kanyang past.
Sa iba pang mga tagpo, hindi napigilan ni Macy ang ma-curious nang hindi niya sinasadyang makita ang peklat sa paa ni Franco nang asikasuhin niya ito sa kanyang bahay.
Sa kabilang banda, hindi rin alam ni Franco ang dahilan kung bakit hindi maalis sa kanyang isipan ang kanyang secretary na si Macy mula nang magpaalam na ito ng kanyang resignation.
Dahil sa pride, pinairal naman ni Franco ang kanyang pagiging boss at inutusan ng matindi si Macy. Hindi naman mapigilan ni Macy ang mangarag sa mga inuutos sa kanya ng kanyang boss.
Kinabukasan, hindi naman inaasahan ni Macy na makita si Franco sa tapat ng kanyang bahay na may sugat sa labi kaya naman agad niya itong pinatuloy at ginamot.
Matapos ito, tila sigurado na si Franco sa kanyang nararamdaman para sa kanyang secretary na si Macy at nangako ito na magiging seryoso na ito upang makuha ang loob ng huli.
Panoorin ang What's Wrong with Secretary Kim, weekdays, 5:00 p.m. bago ang Family Feud sa GMA.
BALIKAN ANG NAKAKAKILIG NA MGA EKSENA SA WEEK 2 NG WHAT'S WRONG WITH SECRETARY KIM DITO:
What's Wrong With Secretary Kim: The boss joins in on the date! (Episode 6)
What's Wrong With Secretary Kim: The scar from the ugly past (Episode 7)
What's Wrong With Secretary Kim: My boss will be the cause of my death! (Episode 8)
What's Wrong With Secretary Kim: Giving a first aid to my perfect boss (Episode 9)
What's Wrong With Secretary Kim: Catching feelings with my secretary (Episode 9)