
Isang magandang taon ang hiling ni Kylie Padilla ngayong 2022.
"I'm claiming it. This year is gonna be my year," buong pagmamalaking ibinahagi ng aktres sa Instagram.
Ngayong 2022, isang bagong proyekto ang pinaghahandaan ni Kylie sa GMA kung saan gaganap siya bilang isang billiard genius.
Sa interview kay Nelson Canlas sa 24 Oras, ibinahagi ng aktres ang kanyang unang karanasan sa billiards.
"To be really honest never pa akong nag-billiards, hindi ko siya ma-grasp. But when I did lessons yesterday, parang nagkaroon ako ng confidence na kaya ko pala with the right teachers," sabi ni Kylie.
Samantala, ipagdiriwang ni Kylie ang kanyang 29th birthday sa darating na January 25. Ayon sa aktres, ang tanging hiling lang niya para sa kaarawan ay ang mabuting kalusugan ng kanyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Noong 2021, isa sa pinaka pinag-usapan sa showbiz ang paghihiwalay nina Kylie at estranged husband nitong si Aljur Abrenica.
Tingan ang magagandang larawan ni Kylie Padilla sa gallery na ito: