GMA Logo Bea Alonzo, Carla Abellana, Widows War
What's on TV

Widows' War: Baby ni George, malalagay sa panganib dahil kay Sam

By EJ Chua
Published November 25, 2024 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran ends six-game slump vs. Arellano to capture men's volleyball bronze
Thai artist pami evaluates the cost of heartbreak in a relationship with new single 'cry jar'
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo, Carla Abellana, Widows War


Mapapahamak ba ang baby ni George (Carla Abellana)? Abangan sa 'Widows' War.'

Muli na namang sinusubok ng tadhana ang pagkakaibigan nina Sam (Bea Alonzo) at George (Carla Abellana) sa Widows' War.

Sa previous episodes ng hit murder mystery drama, natunghayan na may bagong isyu sa pagitan ng mga pamilya nina Sam at George.

Hindi pa man nakakausad mula sa pagkawala ni Francis (Jeric Gonzales), naging maingay na naman ang tungkol sa pagkamatay ng binata. Inilahad sa serye na ang kapatid ni George na si Ward (Matthew Uy) ang itinuturong may sala sa nangyari kay Francis. Dahil dito, nagsimula na namang magtalo sina Sam at George.

Sa susunod na episodes nito, kaabang-abang kung ano ang mangyayari sa paghaharap ng dating magkaibigan.

Samantala, ipinasilip sa isang teaser na malalagay sa panganib ang baby ni George na kasalukuyan niyang ipinagbubuntis.

Mawawalan ba ng anak si George dahil kay Sam?

Si Ward nga ba ang killer ni Francis?

Huwag palampasin ang mga susunod na rebelasyon sa Widows' War, ang pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Mapapanood ang pinag-uusapang murder mystery drama series tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.