GMA Logo Jean Garcia, Widows War
What's on TV

Widows' War: Ipapakita na kung sino ang itinatago ni Aurora sa secret room

By EJ Chua
Published September 13, 2024 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: August 7, 2026
Senior citizen found dead in septic tank in Minglanilla, Cebu
Ellen Adarna goes on a Maldives vacation with kids

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia, Widows War


Unti-unti nang makikilala ang drinking buddy ni Aurora sa 'Widows' War'!

Ngayong Biyernes ng gabi, September 13, isang bagong rebelasyon na naman ang matutunghayan sa murder mystery drama na Widows' War.

Sa upcoming episode, may pa-face reveal na sa laging pinupuntahan at laging kinakausap ni Aurora Palacios (Jean Garcia) sa secret room.

Kaabang-abang kung sino nga ba ang matagal nang itinatago ni Aurora na kanya ring drinking buddy.

Base sa ilang comments at hula ng viewers, si Paco (Rafael Rosell) ang isa sa pinaghihinalaan nila na nasa loob ng kwarto.

Ang ilan naman ay nanindigan na posibleng ang ama ni Rebecca (Rita Daniela) ang itinatago ni Aurora.

Sino nga kaya ang nasa loob ng secret room? At tama kaya ang viewers sa kanilang mga hula?

Huwag palampasin ang susunod pang intense na mga eksena sa Widows' War.

Mapapanood ang pinag-uusapang serye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.