
Napasabak sa isang intense scene sa Widows' War ang singer-actor na si Brent Valdez.
Nakaeksena niya ang batikang aktres na si Jean Garcia, na napapanood sa serye bilang si Aurora Palacios. Dito ay nakatikim si Brent ng totoo at malalakas na sampal mula kay Jean.
Sa isang video, ipinasilip ang ilang pangyayari sa set ng Widows' War tungkol sa sampalan scene. Matutunghayan dito na matapos ang eksena, labis na nag-alala si Jean kay Brent kaya naman agad niya itong nilapitan upang kumustahin.
Mapapanood din na napa-react dito ang lead stars ng serye na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
@madzlatest JEAN GARCIA todo alala sa eksena nila ni BRENT VALDEZ aa shoot namin sa #widowswar @therealjeangarcia @brentvaldez ♬ original sound - Madz Aguilar
Video Courtesy: Madz Aguilar
Samantala, isa ang karakter ni Brent sa itinuturo ng viewers na killer umano sa 2024 murder mystery drama.
Napapanood siya rito bilang si Peter, isa sa bodyguards ng pamilya Palacios.
Ano kaya ang susunod na mangyayari kay Peter sa loob ng Palacios' Estate?
Patuloy na subaybayan ang istorya ng Widows' War. Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.