GMA Logo Jean Garcia, Widows War
What's on TV

Widows' War: Madam Aurora, maraming fans?

By EJ Chua
Published October 16, 2024 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia, Widows War


Hanga ang viewers sa gigil scenes ni Aurora Palacios sa 'Widows' War'

Parami nang parami ang nakatutok sa istorya ng 2024 murder mystery drama na Widows' War.

Bukod sa istorya nito, isa rin sa sinusubaybayan ng mga manonood ay ang karakter ng batikang aktres na si Jean Garcia.

Napapanood si Jean sa serye bilang si Madam Aurora, isa sa miyembro ng Palacios family.

Sa mga nakaraang episode, natunghayan ang ilang gigil moments at scenes ni Madam Aurora.

Embed gallery: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/21607/actors-na-nakatikim-na-ng-sampal-ni-jean-garcia-sa-teleseryes/photo

Ilang karakter na sa serye ang nakaaway niya at tila walang makatatalo sa kanyang katapangan.

Mababasa sa social media ang ilang reaksyon at komento ng viewers tungkol sa kanyang intense scenes sa serye.

Mapapansin na maraming fans si Madam Aurora at talaga namang hanga sa kanya ang maraming viewers.

Si Madam Aurora ay ina ni Paco Palacios, ang karakter ni Rafael Rosell.

Siya rin ang napakahigpit at napakataray na mother-in-law ni Sam Castillo-Palacios, ang role ni Bea Alonzo sa serye.

May kinalaman ba si Aurora sa mga nangyaring patayan sa loob ng Palacios' Estate?

Ano kaya ang susunod na rebelasyon tungkol sa kanyang karakter?

Ang Widows' War ay ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.

*Related gallery: ICYMI: Memorable scenes from 'Widows' War' pilot episode