GMA Logo widows war
What's on TV

Widows' War: Paco Palacios, hindi pinatulog ang viewers?

By EJ Chua
Published October 23, 2024 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

widows war


Isa ka rin ba sa mga nagulat sa rebelasyon tungkol sa karakter ni Rafael Rosell sa 'Widows' War'?

Napakaraming manonood ang napa-react sa malaking rebelasyon tungkol sa karakter ni Rafael Rosell sa Widows' War na si Paco.

Ibinunyag sa previous episodes ng murder mystery drama na patay na talaga si Paco Palacios.

Nasagot na ang tanong ng marami at ipinakitang isa na lang siyang human taxidermy.

Kaugnay nito, nalaman na rin ng mga manonood na imahinasyon lang lahat ng kanyang ina na si Aurora (Jean Garcia) ang mga pag-uusap nila ni Paco.

Labis itong ikinagulat ng asawa ni Paco na si Sam, ang role ni Bea Alonzo sa serye.

Sa social media, mababasa ang iba't ibang reaksyon ng viewers tungkol sa rebelasyon.

Ang ilan, hindi raw nakatulog matapos makita ang nakakatakot na itsura ni Paco.

Karamihan naman sa mga nakapanood ay humanga sa acting skills ni Rafael at sa production team ng Widows' War.

Muling panoorin kung paano nabunyag ang sikreto ni Aurora tungkol kay Paco sa video sa ibaba:

Samantala, ang Widows' War ay ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.