
Mapupuno ng rebelasyon at mas matitindi pang mga eksena ang susunod na episodes ng hit murder mystery drama na Widows' War.
Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, masasagot na ang katanungan ng mga manonood tungkol sa mga sikretong matagal na itinago ng mga karakter nito.
Matutunghayan sa bagong episode na muling magkakagulo ang mga Palacios.
Sinu-sino kaya ang madadamay sa kaguluhang ito?
Ano kaya ang malalaman ni Aurora (Jean Garcia) tungkol kay Amando (Lito Pimentel)?
Si Amando nga ba ang tunay na Palacios killer?
Ang Widows' War ay pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana. Napapanood sila rito bilang mga biyuda na sina Sam Castillo-Palacios at George Balay-Palacios.
Huwag palampasin ang exciting at intense na mga eksena sa nalalapit na pagtatapos ng Widows' War.
Ipinapalabas ang serye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.