GMA Logo Widows War, Jean Garcia, Bea Alonzo
What's on TV

Widows' War: Sino kaya ang itinatago ni Aurora sa secret room?

By EJ Chua
Published September 12, 2024 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

At Easter vigil, Pope Leo urges world not to grow numb to war
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

Widows War, Jean Garcia, Bea Alonzo


Kaabang-abang ang rebelasyon tungkol sa laging kausap ni Aurora sa kanyang secret room sa Widows' War!

Hinuhulaan na ng viewers ng Widows' War ang tungkol sa isa sa mga sikreto sa serye.

Kapansin-pansin na sabik na silang malaman kung sino ang kasama ni Aurora Palacios (Jean Garcia) sa kanyang secret room.

Sa previous episodes ng murder mystery drama, ipinasilip na laging may kausap si Aurora sa tuwing papasok siya sa nasabing kuwarto. Ipinakita rin na tuwing pupunta siya sa secret room at dinadalhan niya ng pagkain at wine ang nasa loob nito. Dahil sa kakaibang kinikilos ni Aurora, minsan na siyang pinagdudahan ng kanyang daughter-in-law na si Sam (Bea Alonzo).

Ayon sa ilang viewers ng serye, posible raw na ang pumanaw na anak ni Aurora na si Paco (Rafael Rosell) ang nasa kwarto.

Sabi nila, baka buhay pa umano si Paco, habang ang iba naman ay sinabing baka wax man na siya o isa na siyang taxidermy human.

Sinasabi naman ng iba na baka ang tatay ni Rebecca (Rita Daniela) ang nakatago rito.

Mayroon ding nagsabi na baka ang mismong killer ang nasa secret room ni Aurora.

Sino nga kaya ang itinatago ni Aurora?

Huwag palampasin ang matitinding rebelasyon sa Widows' War. Mapapanood ang hit murder mystery drama tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.