
Muling sinagot ng cast ng Widows' War kung sino ang sa tingin nilang mastermind sa mga nangyaring patayan sa hit murder mystery drama.
Sa isang exclusive video na inilabas sa social media kamakailan lang, ibinunyag ng mga aktor sa serye kung sino ang pinaghihinalaan nilang nasa likod ng mga krimen.
RELATED CONTENT: Widows' War: Who's the toughest widow among these women?
Para kay Mercy (Timmy Cruz), ang karakter ni Tonton Gutierrez na si Galvan ang mastermind.
Para naman kay Vivian (Lovely Rivero), sina Jericho (Royce Cabrera) at Galvan (Tonton Gutierrez) ang pinaghihinalaan niyang may gawa ng lahat ng masasamang nangyari.
Si Aurora Palacios (Jean Garcia) naman ang itinuturong mastermind ni Sofia (Charlie Fleming).
Paniniwala naman ni Jericho (Royce Cabrera), si Amando (Lito Pimentel) ang utak sa mga nangyari at nangyayari pang mga patayan sa serye.
Kaninong hula kaya ang tama?
Abangan ang kasagutan sa susunod na episodes ng Widows' War, ang seryeng pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng pinag-uusapang murder mystery drama. Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.