
Isang mysterious role ang ginagampanan ni Rita Daniela sa murder mystery drama series na Widows' War.
Sa isang panayam, may pahapyaw si Rita ang kanyang karakter.
Pahayag niya, “My character in Widows' War is Rebecca. Rebecca is one of the Palacios.”
“She lives there in the mansion with mga talagang Palacios,” dagdag pa niya.
Ang tinutukoy ni Rita na miyembro ng Palacios family ay sina Galvan (Tonton Gutierrez), Basil (Benjamin Alves), Paco (Rafael Rosell), Aurora (Jean Garcia), at marami pang iba.
Unang nakilala ng mga manonood ang karakter ng singer-actress noong unang beses na bumisita si Sam Castillo (Bea Alonzo) sa mansyon ng Palacios.
Labis na nabigla si Sam nang lumapit sa kanya si Rebecca at tila nagbigay ito ng isang babala.
Ayon kay Rebecca, kailangan umanong umalis ni Sam sa mansyon dahil mamamatay siya roon.
Kasunod nito, muling nagkita sina Sam at Rebecca sa mansyon ngunit labis na nagtaka ang una dahil hindi na siya nakilala ng huli.
Tila palaisipan ang lahat kay Sam lalo na't hindi naging malinaw ang ilang sinabi sa kanya ng asawa niyang si Paco (Rafael Rosell) tungkol sa pinsan niyang si Rebecca.
Samantala, bukod sa karakter ni Bea Alonzo, napapaisip din ngayon ang viewers at netizens tungkol sa tunay na kalagayan ni Rebecca.
Narito ang ilang reaksyon ng mga manonood tungkol sa karakter ni Rita:
Ano nga ba ang tunay na kalagayan ni Rebecca?
Ano kaya ang nangyari sa kanya noon?
May maitutulong kaya si Rebecca sa paglutas ng mga susunod na mangyayari? O siya ang killer?
Abangan ang mga kasagutan sa susunod na mga tagpo sa Widows' War.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.