
Sa ikawalong linggo ng Widows' Web, sinabi ni Elaine (Pauline Mendoza) kay Jackie (Ashley Ortega) ang naging relasyon nina Hillary (Vaness del Moral) at Xander (Ryan Eigenmann).
Sa paghaharap nina Jackie at Hillary, nakaramdam ng matinding galit ang una dahil sa affair ng kanyang kaibigan at yumaong asawa. Sinabi rin ni Jackie kay Hillary na huwag nitong ipalaglag ang sanggol dahil aampunin niya ito.
Gumawa naman sina Jackie at Hillary ng plano upang maitago ang pagbubuntis ng huli ngunit narinig ito lahat ni Barbara (Carmina Villarroel). Nalaman ni William (Bernard Palanca) ang panlolokong ginawa ng kanyang asawa matapos itong ilahad ni Barbara.
Inamin at ikinuwento na rin ni Hillary ang rason kung bakit siya nangaliwa kay William.
Samantala, nalaman ni Delia (Mosang) na maaaring konektado sina EIaine at Frank (EA Guzman). Isang matinding sikreto naman ang nasaksihan ni Dwight (Dave Bornea) nang makita niyang nakakatayo at nakakalakad na si William.
Ipinakita na rin ni William kay Hillary na siya'y nakakalakad habang pinagbabantaan ang huli sa oras na hindi nito ipalaglag ang kanyang ipinagbubuntis. Nasaksihan naman ni Elaine ang pang-aabuso ni William kay Hillary at sinundan ang mga ito.
Matapos mahuli ng mga Sagrado, ikinuwento na ni Elaine ang buong katotohanan tungkol sa ugnayan niya kay Frank. Pagkatapos nito, lumisan siya para pumunta sa bahay ng mga Suarez upang mailigtas si Hillary.
Tinulungan naman nina Elaine, Dwight, at Jed (Anjay Anson) si Hillary na matakas ngunit nahuli sila ni William. Bago pa sila makakilos, sinaktan ni William si Dwight, na nahulog sa lupa at agad binawian ng buhay.
Ano kaya ang gagawin ni William kina Elaine, Hillary, at Jed? Huwag palampasin ang huling linggo ng Widows' Web, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.
Balikan ang maiinit na mga tagpo sa Widows' Web dito.
Widows' Web: Hillary's affair has been revealed! | Episode 34
Widows' Web: Ang pagbagsak ng reputasyon ni Hillary | Episode 35
Widows' Web: The story behind Hillary and Xander's affair | Episode 36
Widows' Web: Milagro o maitnding sikreto ni William? | Episode 37
Widows' Web: Elaine to the rescue! | Episode 38
Samantala, silipin ang lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.