
Mapapanood ang young Sparkle stars na sina Will Ashley at Althea Ablan sa triple-plot drama series na Lovers & Liars.
Gaganap sina Will at Althea bilang young Martin at young Via sa serye. Si Martin, na gagampanan ni Bernard Palanca, ang TOTGA ni Via, na pinagbibidahan ni Optimum Star Claudine Barretto.
Sa pagkakakulong dahil sa kasong murder sa pumanaw niyang asawa na si Ramon Laurente, magbabalik sa buhay ni Via si Martin.
Bukod kay Martin, magbabalik ang first wife ni Ramon na si Elizabeth, na gagampanan naman ni Ara Mina.
Ano kaya ang kuwento nina Via at Martin at maging nina Elizabeth at Ramon? May katotohanan kaya ang kasong murder na isinampa kay Via at sino ang nasa likod nito?
Huwag palampasin ang Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime.
KILALANIN ANG CAST NG LOVERS & LIARS SA GALLERY NA ITO: