
Nag-post ang Bar Boys:After School actor Emilio Daez sa kanyang TikTok account ang video kasama ang kapwa aktor sa pelikula na si Will Ashley.
Sa video, makikita sina Will at Emilio sa kanilang pagli-lipsync ng soul version ng kantang 'BMW' nina OPM singers Because at Leslie.
“Sino sasabay samin?” sulat ni Emilio sa kanyang caption. Kinakiligan naman agad ito ng mga netizens dahil sa angking charm ng dalawa.
Natuwa rin ang mga fans at agad nag-comment na kahawig ng Star Magic actor at PBB Celebrity Collab Edition 2.0 housemate Miguel Vergara ang dalawa.
“Will Ashley + Emilio Daez = Miguel Vergara,” comment ng isang netizen.
“Mga daddy ni Miguel???,” ani naman ng isa.
@emiliodaez sino sasabay samin? @Will Ashley ♬ SYNTETIKO on YT BMW Soul Cover - SYNTETIKO
Nabuo ito matapos sabihin ng Kapamilya actress na si Bianca De Vera sa kanilang pagpasok muli sa 'Bahay ni Kuya' bilang house guest kasama ang kapwa Love You So Bad stars, Will at Dustin Yu.
“Oh my god! Hala, para kang combination ni Will saka ni Emilio,” sabi ni Bianca.
Kita naman ang suot ng dalawa ang shirt ng kanilang film entry sa MMFF 2025, ang Bar Boys: After School; sa parehong araw rin ng press conference ng pelikula nai-post ang TikTok video ng dalawa.
Kasama sina Will at Emilio sa mga bagong karakter sa star-studded sequel na Bar Boys: After School na film entry sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong 2025. Kasama rin nila sa pelikula ang original cast ng pelikula: Rocco Nacino, Carlo Aquino, Enzo Pineda, at Kean Cipriano. Kabilang din sa mga bagong karakter sina Glaiza de Castro at Klarisse De Guzman.
Related Gallery: Cast ng Bar Boys: After School, Ipinasilip na