GMA Logo family feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Will Ashley at Vince Maristela, isinama ang kani-kanilang pamilya para sa exciting na laban sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 7, 2026 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senate impeachment court asked to summon OVP's Zuleika Lopez, NBI's Matibag 
P6M marijuana plants burned in Agusan del Sur
'Solo Leveling: Beyond The System' anime film officially announced, now in production

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Kilalanin ang mga makakasama nina Will Ashley at Vince Maristela sa 'Family Feud' ngayong Martes.

Ngayong Martes, July 7, dalawa sa brightest young talents ng Sparkle, na minahal ng viewers sa PBB Celebrity Collab Edition, ang maghaharap sa Family Feud.

Mapapanood sina Will Ashley at Vince Maristela sa espesyal na "More tawa, more saya kasama ang buong pamilya" episode, kasama ang kani-kanilang pamilya.

Maglalaro sa Pamilyang Palaban ang team ni Will. Kasama niya ang mga tito niyang sina Karl Pacheco at Kevin Pacheco; at ang kanilang Lola Deng Pacheco, ang beloved matriarch na magpapakita ng kaniyang wisdom at wit.

Samantala, pangungunahan naman ni Vince Maristela ang Maristela Family, kasama ang kanyang supportive mom na si Jinky, kapatid na si Vance, at pinsang si Lara Soriano.

Isang exciting na family showdown ang aasahan ng viewers sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 7, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.