
Ramdam na ramdam na ang excitement ng fans nina Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu sa kanilang first-ever film together.
Mapapanood na sa cinemas nationwide ang Love You So Bad ngayong Huwebes, December 25.
Ang Love You So Bad ay kabilang sa lineup ng Metro Manila Film Festival o MMFF 2025.
Kasama nina Will, Bianca, at Dustin sa pelikula ang award-winning director na si Mae Cruz Alviar.
Bukod sa lead stars, mapapanood din dito sina Vince Maristela, Xyriel Manabat, Ralph De Leon, Zach Castaneda, at Reign Parani.
Ang istorya ng Love You So Bad ay iikot sa love life ni Savannah, ang role ni Bianca De Vera sa pelikula.
Dito ay masasaksihan kung paano siya mahihirapan sa pagpili kina Vic (Will Ashley) at LA (Dustin Yu).
Narito ang official trailer ng Love You So Bad
Huwag palampasin ang sagot kung sino nga ba kina Vic (Will Ashley) at LA (Dustin Yu) ang pipiliin ni Savannah (Bianca De Vera) sa Love You So Bad.
RELATED CONTENT: Love You So Bad stars during the Media Night and Trailer Launch