GMA Logo Will Ashley
What's Hot

Will Ashley, excited nang makatrabaho ang co-stars sa 'Delivery Boi'

By Dianne Mariano
Published May 27, 2026 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DENR preparing new water sources amid looming Super El Niño
Man, 2 children swept away at Davao City river
New beachfront hotel to rise in Panglao

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley


Makakasama ng Sparkle actor na si Will Ashley ang mga premyado, batikan, at promising stars sa upcoming Kapuso comedy drama series na 'Delivery Boi.'

Bibida ang Sparkle actor na si Will Ashley sa pinakabagong Kapuso series na Delivery Boi.

Ang upcoming serye ay ang kauna-unahang title role ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2nd Big Placer.

Sa interview ng GMANetwork.com kay Will sa naganap na story conference kamakailan, ikinuwento niya na sasabak naman siya ngayon sa isang comedy series.

“Parang kasi simula nung lumabas ako ng Bahay Ni Kuya, ang nagawa ko is action, drama, puro drama. Pero this time, mas comedy, tawag nga nila tawaserye. So, magiging exciting talaga siya,” pagbabahagi niya.

Ayon pa kay Will, hindi nalalayo sa kanyang personality ang role na gagampanan sa pagbibidahang serye.

Aniya, “Based din sa sinabi nila, parang 'yung character ko rito bilang ako lang e. So siguro lalagyan ko lang ng medyo kaunting flavor para umayon 'yung character ko sa personality ko talaga. And I think, mas mapapadali naman itong trabahong 'to kasi nga, again, 'yung mga kasama ko is sobrang magaan talaga at napakataas ng energy.”

Looking forward na rin si Will na makatrabaho ang kanyang co-stars at sa kung paano nila mabubuo ang istorya ng Delivery Boi.

“Excited, sobrang nakakatuwa. Ang dami kong mga naka-work na before and ang dami kong mga ngayong pa lang makaka-work. Looking forward ako sa kung paano namin magagawa itong serye na 'to at kung ano 'yung maibibigay namin para mabigyan ng magandang istorya 'yung mga tao,” saad niya.

Makakasama ni Will sa upcoming serye ang mga premyado at batikang mga aktor na sina Eric Quizon, Keempee De Leon, Meryll Soriano, at Maricar De Mesa.

Ang powerhouse cast ay kukumpletuhin naman nina Yasser Marta, Vince Maristela, Mikoy Morales, Angellie Sanoy, Juharra Asayo, at Baninay Bautista.

Ang Delivery Boi ay ididirehe ng mga direktor na sina Adolf Alix Jr. at Dominic Zapata.

Related gallery: Will Ashley's career wins after his 'Pinoy Big Brother' journey