
Sa pagdaan ng mga araw at gabi sa loob ng Bahay ni Kuya, tila marami nang nadidiskubre ang house guest na si Ivana Alawi sa housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Matapos makakuwentuhan si Ashley Ortega, nakausap naman ni Ivana ang Sparkle actor na si Will Ashley.
Habang nagkakape, napag-usapan nina Ivana at Will ang pagiging introvert nila. Dito, inilahad ng Star Magic artist at content creator ang ilang mga bagay na ginagawa niya na puwedeng makatulong din kay Will.
Ayon kay Ivana, “Introvert din ako, mukha lang hindi. Kailangan mo talaga i-push 'yung sarili mo… Mahiyain ako pero pinu-push ko 'yung sarili ko kasi, siyempre, gusto ko kayo lahat makilala.”
“Pinu-push ko sarili ko na isa-isa kakausapin ko. Try mo rin, puntahan mo isa isa, 'tapos, mahahanap mo 'yung mas magiging komportable ka day by day,” payo niya sa Kapuso actor.
Sabi naman sa kaniya ni Will kay Ivana, “Game, Thank you.”
Samantala, kilala si Ivana sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Phenomenal Content Queen ng Quezon City, habang si Will naman ay Mama's Dreambae ng Cavite.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Bahay ni Kuya sa All-Access Livestream ng programa sa www.gmanetwork.com.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Related gallery: Meet the Kapuso and Kapamilya hosts of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition''