GMA Logo Will Ashley
What's Hot

Will Ashley gets praises from 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' viewers

By EJ Chua
Published April 21, 2025 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley


'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' viewers kay Will Ashley: “Malakas ang dating.”

Tila hindi nawawala sa topics ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition viewers ang tungkol sa Kapuso housemate na si Will Ashley.

Usap-usapan ngayon sa social media ang taglay na kagwapuhan ni Will na labis na napansin ng marami habang siya ay nasa loob ng Bahay ni Kuya.

Related gallery: Will Ashley's IG photos that scream summer

Sa ilang posts at comments, mababasa ang pagpuri ng viewers at netizens.

Karamihan pa sa kanila ay sumangayon sa sinabi ni Michael Sager na gwapo at malakas umano ang dating ni Will lalo na kapag wala siyang suot na eyeglasses.

Samantala, sa isang episode ng teleserye ng totoong buhay, ibinahagi ng Kapuso housemate na naapektuhan siya noon sa pamba-bash sa kanya patungkol sa kaniyang height.

“Nakakaapekto sa akin before ay mga comments na may itsura, magaling sana kaso kulang sa height,” sabi niya.

Samantala, bukod sa pagiging Mama's Dreambae ng Cavite, binansagan din siya ng netizens na Nation's Favorite Son.

Patuloy na subaybayan si Will Ashley sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ang programa, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.