
Nakapag-record na si Will Ashley para sa first single niya na pinamagatang "Paborito."
Sa report ni Aubrey Carampel para sa Balitanghali, sinabi ng Sparkle actor na siya mismo ang nagsulat ng kanta at nagkaroon ng collaborations.
Isinulat niya ito noong nakaraang taon matapos na maging housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ayon pa kay Will, marami ang makaka-relate sa kanta niyang ito na tungkol sa paborito ng sinuman.
"Super excited ako sa song na 'to kasi very special din siya sa akin since it's my first sinulat na kanta," sabi ng aktor.
"Itong song na 'to, very Gen Z siya. Usual na sinasabi ng mga kaedaran ko sa mga minamahal nila," dagdag niya.
Samantala, abala na rin si Will sa paghahanda para sa kanyang first title role sa upcoming Kapuso series na Delivery Boi.
Related content: Will Ashley's career wins after his 'Pinoy Big Brother' journey