GMA Logo Will Ashley
What's Hot

Will Ashley, naapektuhan noon sa bashing tungkol sa kaniyang height?

By EJ Chua
Published April 16, 2025 1:57 PM PHT
Updated April 16, 2025 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley


Will Ashley sa natatanggap na bashing noon: “May itsura, magaling sana kaso kulang sa height.”

Isa sa topics ngayon ng netizens sa social media ay ang revelations ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates tungkol sa bashing na nakaapekto sa kanila.

Kabilang na rito ang seryosong sagot ng Sparkle star at former Unbreak My Heart actor na si Will Ashley.

Related gallery: Will Ashley's IG photos that scream summer

Sa episode na may hashtag na #pbbcollabstopbashing, inilahad ni Will ang negative comments na natanggap niya noon na labis siyang naapektuhan.

Ayon kay Will, ang kaniyang height at personality ang paboritong punahin ng netizens tungkol sa kaniya.

Pagbabahagi niya, “Nakakaapekto sa akin before ay mga comments na, 'May itsura, magaling sana kaso kulang sa height.'”

Kasunod nito, inilahad niyang dahil dito ay ikinatakot niya noon na mawalan ng career bilang isang aktor sa Philippine entertainment industry.

“Paano kung maging isang malaking rason 'yung height ko para mawala ako sa industrya, sa isang trabaho na talagang mahal kong gawin,” sabi niya.

Bago naman matapos ang kaniyang pagkukwento, binanggit niya ang kaniyang wish para sa kaniyang sarili at fellow celebrities.

Sabi ng Kapuso actor, “Hoping ako na hindi umabot sa ganung point. Alam naman natin na pare-pareho tayong may mga pinanghahawakang pangalan at pinangangalagaang career. I just wish the best for everyone sa ating lahat.”

Samantala, kilala si Will sa teleserye ng totoong buhay bilang Mama's Dreambae ng Cavite at binansagan din siya ng netizens na Nation's Favorite Son.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.