What's on TV

Will Ashley, proud sa kanyang karakter sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters'

By Marah Ruiz
Published January 13, 2023 7:05 PM PHT
Updated January 13, 2023 7:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14-anyos na binatilyo, binaril sa ulo habang naglalakad sa Davao Occidental
2 boys trapped in Zamboanga City creek rescued
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley


HIndi man naging maganda ang ending ng character ni Will Ashley sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters,' ipinagmamalaki pa rin daw nya si Andrew. Bakit kaya?

Maraming papuri ang natanggap ni Kapuso actor Will Ashley sa pagganap sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Binigyang-buhay ni Will ang karakter ni Andrew, ang isa sa mga anak ni Lily Chua, karakter ni Aiko Melendez.

Dahil sa pagiging controlling ng kanyang ina at patung-patong na problema ng kanyang pamilya, pinili ni Andraw na wakasan ang kanyang sariling buhay.

Ibinahagi ni Will na proud siya sa kanyang karakter at mami-miss niya ito sa pagtatapos ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

"Isa rin po sa mami-miss ko dito is si Andrew kasi kahit na ganoon ang nangyari sa kanya, hindi maganda 'yung ending niya, kahit papaano, naging mabuting anak pa rin siya. Ginawa pa rin niya 'yung best niya para mapasaya 'yung parents niya," lahad ni Will.

Nagpapasalamat din siya sa alalay ng mga tao sa likod ng camera dahil kahit nakakapagod ang mga emosyonal na eksena niya bilang Andrew, napapagaan daw ng mga ito ang kalooban niya.

Bukod dito, masayang masaya din siya sa pagmamahal na natanggap ng kanilang serye.

"Sa mga Kapuso po namin diyan na talang solid na sumubaybay simula umpisa hanggang dulo sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters,' gusto lang po namin magpasalamat sa inyo nang taos-puso. Sana po ay subaybayan niyo pa rin po kami sa aming mga susunod na proyekto. God bless you all," mensahe ni Will.

Isang post na ibinahagi ni Mano Po Legacy (@manopolegacy)


Samantala, isang unexpected twist ang dapat abangan sa big finale ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.


Abangan ito ngayong gabi, January 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin din ang exclusive livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream o kaya ay sa GMA Network app.