GMA Logo Will Ashley
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano
What's Hot

Will Ashley, puspusan ang paghahanda para sa 'Balota'

By Dianne Mariano
Published July 5, 2024 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley


Paano kaya pinaghandaan ng Sparkle actor na si Will Ashley ang kanyang karakter sa Cinemalaya 2024 entry na 'Balota?'

Kabilang ang Sparkle actor na si Will Ashley sa cast ng upcoming Cinemalaya 2024 entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.

Related gallery: The cast of 'Balota' meet at its story conference

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Will, masaya ang aktor sa kanyang karanasan sa taping ng naturang pelikula.

“Masaya sobra kasi parang kami lahat dito sobrang free gumalaw e. Kumbaga, meron kaming communication kay Direk, And siyempre after take namin, masaya kasi kwentuhan about sa mga napagdaan namin, 'yung unang-una pa lang nag-workshop kami and siyempre kwentuhan din about life,” pagbabahagi niya.

Puspusan din ang naging paghahanda ni Will para sa kanyang karakter na si Enzo sa Balota.

“Pinaghandaan namin ang karakter ko rito ni Direk. Unang-una, siyempre nagkaroon kami ng parang siguro three or four workshops bago nag-shoot and pinag-usapan namin 'yung background ng character, 'yung past ng character ko, and kung ano nga ba 'yung gusto niya sa future. And 'yung ang naka-help sa akin para magawa ko 'tong character ko na si Enzo,” kuwento niya.

Sa isa pang panayam, ibinahagi ni Will na siya ay kinabahan at na-excite nang malaman na bahagi siya ng pelikula.

“Unang-una, kinabahan ako kasi alam ko agad na Cinemalaya itong film na 'to e. And siyempre kapag sinabi nating Cinemalaya, iba ang parang treatment nila rito when it comes to acting, sa craft namin.

"Pero na-excite rin ako siyempre kasi for me, panibagong kaalaman na naman ito, panibagong kaalaman na madadala ko sa career ko hanggang future,” aniya.

Bukod kay Will, ang cast ng Balota ay binubuo rin nina Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, Sassa Gurl, at Marian Rivera.