What's Hot

Will Ashley, Ralph de Leon, at Brent Manalo, gaganap bilang magkakapatid sa 'The Secrets of Hotel 88'

By Marah Ruiz
Published February 17, 2026 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Vanessa Sarie, CJ Dominguito cop last POW honors in Season 101 volleyball
Hidlyn Diaz's manager Noel Ferrer releases another statement on 'free fuel for life' issue
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley, Ralph de Leon, Brent Manalo


Gaganap bilang magkakapatid sina Will Ashley, Ralph de Leon, at Brent Manalo sa 'The Secrets of Hotel 88.'

Reunited ang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Will Ashley, Ralph de Leon at Brent Manalo sa upcoming series na The Secrets of Hotel 88.

Gaganap sila bilang Fernandez brothers, isa sa mga pamilyang may claim sa pinag-aagawang Hotel 88.

Si Will ang bunsong si Kiko, si Ralph naman ang pangalawang kapatid na si Martin, habang si Brent ang panganay na si Gio.

Magkakapatid sila sa ama, na gagampanan ni Gardo Versoza.

Will Ashley Brent Manalo Ralph de Leon

Source: willashley17 (IG), ralph_dl (IG), brentymanalo (IG)

Hindi raw nila in-expect na ganito kabigat ang magiging unang serye nila pagkalabas ng Bahay ni Kuya.

"Noong una pong pitch sa amin, sabi namin siguro parang barkada show, light lang. Pero noong nalaman namin 'yung kuwento na may agawan ng yaman--konti lang sabihin may sampalan, may suntukan--parang unexpected talaga. But then 'yung challenge, nagustuhan din namin na iba siya," pahayag ni Brent.

Umaasa din daw sila na magugustuhan ng mga manonood ang serye dahil halo-halo itong na may mystery, romance, drama, at iba pa.

"Tinatawag namin 'tong series na 'to na multi-genre. Siguro 'yung 'yun pinagkaiba siya sa ibang series na napakaraming pagdadaanan kasi, ang daming challenges itong series na ito," paliwanag naman ni Will.

Nakatulong naman daw sa kanilang chemistry ang ilang buwang stay nila sa PBB House.

"Dito kasi hindi lang all rainbows and butterflies 'yung pagkakapatid naming tatlo. Of course, there's going to be conflicts within the siblings, and against the other families. But it's nice to be able to navigate those, at the same time, build that brotherly relationship," bahagi ni Ralph.

Ang The Secrets of Hotel 88 ay collaboration sa pagitan ng GMA Network at ng ABS-CBN Studio.

Mapapanood ito sa March 2 sa GMA Prime, at available for streaming sa iWant.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.