GMA Logo Will Ashley, Ralph De Leon
Source: FastTalkGMA (FB)
What's on TV

Will Ashley, Ralph De Leon, sino-sino ang gustong makita sa next season ng PBB?

By Kristian Eric Javier
Published July 13, 2025 4:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley, Ralph De Leon


Sino kaya ang bagong housemates na gustong makita nina Will Ashley at Ralph De Leon sa bagong season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition?

Sa pagtatapos ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noong July 6, inanunsyo na rin ang panibagong season ng teleserye ng totoong buhay. Ang Second Big Placer duo na sina Will Ashley at Ralph De Leon, may napipisil na rin na posibleng mga bagong housemates.

Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 10, tinanong ni King of Talk Boy Abunda sina Will at Ralph kung sinong Sparkle at Star Magic stars ang gusto nilang makitang pumasok sa Bahay ni Kuya sa susunod na season.

Dalawa sa choices ni Will ay sina Ashley Sarmiento at Marco Masa. Paliwanag niya sa kanyang napili, “Ako po, si Ashley Sarmiento, parang interested din po ako sa ano niya e, sa personality niya. Hindi ko pa siya gaanong nakikilala. Kumbaga parang same-same din po kami. Saka si Marco din. Parang same din po ng personality [ko].”

Gusto rin umanong makita ni Will si Bryce Eusebio sa loob ng Bahay ni Kuya dahil gaya nila ni Ralph, competitive din ito, at alam niyang magiging magaling sa tasks. Nais dinmakita ng aktor si Anton Vinzon dahil ang energy umano nito, kapareho ng kapwa housemate na si Michael Sager.

First choice naman ni Ralph mula sa Star Magic stars si Jella Atayde dahil umano sa maalagang nature nito, bagay na sa tingin niya ay kailangan sa loob ng bahay ni Kuya.

“Next si Harvey Bautista po, parang halos same sila ni Will na tahimik sa start pero 'pag nagtagal na po talaga, kukulit po talaga. And then next one I have is si Mutya Orquia kasi ball of sunshine po. That's another thing that I feel that's needed in the house,” sabi ni Ralph.

Ang huling artist na gustong makita ni Ralph sa susunod na season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ay si Daniela Stranner dahil naman sa pagiging palaban nito.

Panoorin ang panayam kina Will at Ralph dito: