
Si Kapuso actor Will Ashley ang cover ng lifestyle magazine na Village Pipol para sa buwan ng March.
Inilarawan siya ng magazine bilang isang "sweet guy" dahil sa maamo niyang mukha at malumanay niyang pananalita.
Sa kanyang interview, ibinahagi ni Will na si Asia's Multimedia Star Alden Richards and naging insipirasyon sa kanya para sumabak sa pag-aartista.
"Nung ten years old po ako, nakita ko sa isang mall show si kuya Alden Richards. So, sabi ko sa sarili ko noon, 'One day, makakatungtong ako sa stage. Gagawin ko lahat ng best ko para makarating ako doon.'
"At saka, kapag po nanunuod ako ng TV, doon ko po nakikita na gusto ko po talaga maging artista," pahayag niya.
Kasalukuyang bahagi si Will ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas. Panoorin ito Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.