GMA Logo Wilma Doesnt, Kazel Kinouchi on CapEath
Source: Fast Talk with Boy Abunda, Youre My Favorite Song
What's Hot

Wilma Doesnt at Kazel Kinouchi, hanga kina Caprice Cayetano at Heath Jornales sa 'You're My Favorite Song'

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 23, 2026 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

El Niño expected to threaten parts of Luzon, Mindanao, DA warns
Thai BL pair Sea Dechchart, Keen Suvijak to hold 'Hi By My Luck' screening in Manila and Cebu
Farm to Table: Ihaw-ihaw weekend

Article Inside Page


Showbiz News

Wilma Doesnt, Kazel Kinouchi on CapEath


Nagbigay ng kanilang mga paghanga sina Wilma Doesnt at Kazel Kinouchi sa kanilang mga kasamang young stars sa You'e My Favorite Song na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales.

Sa isang eksklusibong panayam sa programang 'Fast Talk with Boy Abunda,' nagpahayag ang 'You're My Favorite Song' stars na sina Wilma Doesnt at Kazel Kinouchi ng kanilang paghanga sa dalawang young stars na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales na kasama nila sa GMA Afternoon Prime series.

Sa nasabing panayam, pabirong tinanong sila ng King of Talk na si Tito Boy kung may nalalaman ba sila tungkol sa tanong kung may nanliligaw na nga ba sa lead actress ng serye na si Caprice.

Agad naman sumagot si Kazel at sinabing, “Hindi ko rin alam kung may nanliligaw.”

Dagdag pa ng aktres, si Heath ang napupusuan niya sa tatlong leading men ng young Kapuso star.

“But I really ship Heath. Sorry na sa ibang mga fans,” aniya.

Sa kabilang banda, hinangaan naman ni Wilma ang husay sa larangan ng pag-arte ang rising actress na si Caprice.

“Magaling 'yun, batang 'yun. Ako kasi, tinitingnan ko lang lagi si Caprice, e. Infairness, magaling siya. Infairness, magaling 'yung bata,” pahayag ni Wilma.

“Talagang para sa baguhan, gano'ng edad? Not for anything, ha? Magaling talaga si bagets,” dagdag pa niya.

Bukod dito, may pabirong pahayag pa ang komedyante: “At saka parang mahihirapan siya magka-jowa kasi laging nakabantay 'yung lola at saka 'yung nanay.”

“Bata pa, dapat talagang bantayan,” dagdag na pahayag ni Wilma.

Sa serye, gumaganap si Kazel bilang ang naghihiganting anak ni Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) sa pamilya ng bidang si Angel (Caprice Cayetano). Samantala, si Wilma naman ang gumaganap bilang si Lady Mara, ang katiwala sa mansyon ni Enrico Montaverde (James Blanco).

Patuloy silang subaybayan ang 'You're My Favorite Song,' tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

RELATED CONTENT: Wilma Doesnt, Kazel Kinouchi share thoughts on Vice Ganda-Kim Chiu issue, compassion, and online negativity