GMA Logo Winwyn Marquez, Ahtisa Manalo
Source: The People Have Spoken
What's on TV

Winwyn Marquez at Ahtisa Manalo, nanalo sa 'The People Have Spoken'

By Kristine Kang
Published August 22, 2026 7:15 PM PHT
Updated August 22, 2026 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Winwyn Marquez, Ahtisa Manalo


Naiuwi nina Winwyn Marquez at Ahtisa Manalo ang PhP 200,000 jackpot prize!

Hindi lang korona ang kayang iuwi nina Winwyn Marquez at Ahtisa Manalo, dahil nagwagi rin sila sa GMA Comedy original game show na The People Have Spoken!

Nitong Sabado (August 22), naging mahigpit ang laban ng Team WINAHTI at Team DINOOKY (Dina Bonnevie at Snooky Serna) sa mga unang round ng programa.

Ngunit sa huli, nanguna sa scoreboard ang mga beauty queen na may 740 points! Kaya naman sila ang nagwagi ng PhP 100,000 at nagkaroon ng pagkakataong madoble ang premyo sa bonus round.

READ: Seasoned actresses vs. beauty queens sa 'The People Have Spoken'

"Congratulations sa team nina Winwyn at Ahtisa. Let's aim for the biggest prize, kaya ito ang 'Itodo n'yo 'yan!'" ani Heart Evangelista.

Para sa kanilang huling round, sinubukang pulsuhan ng Team WINAHTI ang mga sagot ng People sa tanong na: 'Sa panahon ngayon, anu-anong katangian ang hinahanap ng babae sa pakakasalang lalaki?"

Kabilang sa kanilang mga napiling sagot ang mapagmahal, loyal, at marespeto.

"Very important na kapag nasa relasyon kayo, parehas kayo ng values. 'Yung hinahanap mo sa partner ay 'yung values na pangmatagalan. So kapag meron ka nitong lahat, ito 'yung hindi mawawala sa iyo kahit gaano kayo magtagal," paliwanag ni Ahtisa.

"'Pag meron ka nitong tatlo, mayaman ka na automatic," dagdag ni Winwyn. "I think kung mapagmahal, loyal, at marespeto, naturuan ka ng tama ng magulang mo na may takot sa Diyos. I think it's automatic."

Sa huli, tama ang naging hula ng Team WINAHTI sa sagot ng People at masayang naiuwi ang overall grand prize na PhP 200,000!

"Grabe! Winwyn na, Manalo pa!" bati ni Sean Lucas.

"Ready na kami matalo actually," patawang ibinunyag ni Winwyn. "Pero we're so happy. Tama, Winwyn na Manalo pa."

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.

Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.

POV check muna! Balikan ang best at iconic quotes sa The People Have Spoken sa gallery na ito: