
Bukod sa kanilang galing sa runway, sabik na din sina MUPH 2025 1st runnerup Winwyn Marquez at 2nd runnerup Yllana Marie Aduana na ipakita ang kanilang talento sa showbiz world.
Sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Miyerkules, May 21, ibinahagi nina Winwyn at Yllana ang kanilang plano na mag-focus muna sa showbiz pagkatapos ng kanilang pageant journey.
"I am one of the hostmate of Unang Hirit, so I have been with them for almost a week already and magsisimula na din soon, acting wise, babalik na din po," sabi ni Winwyn.
Habang si Yllana naman ay matagal nang inaasam na masubukan ang mundo ng showbiz.
"Sabi ko tatapusin ko lang muna my pageant journey and then, I'll enter na the showbiz, so hopefully I get to do that na," ikinuwento ni Yllana.
Samantala, si MUPH 2025 Ahtisa Manalo at iba pang queens ay magiging abala naman sa kanilang paghahanda sa mga international competitions.
Itinanghal bilang MUPH 1st runner up si Winwyn at 2nd runner up si Yllana nitong May 2 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Panoorin ang buong balita dito:
Samantala, tingnan naman dito ang mga celebrities na naging beauty queen: