
Tampok sa "Ninang" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, December 24 ang kwento ng ninang na si Betty na inabuso ng demanding niyang kumare. Bibigyang-buhay ni Winwyn Marquez ang kwento ni Betty.
Malaki ang pagmamalasakit ni Betty sa inaanak niyang si Jasper (Stanley Abuloc). Sa tuwing kaarawan nito ay sinisiguro ni Betty na maregaluhan ang inaanak. Pero inabuso ni Ning (Tess Antonio), ina ni Jasper, ang kabaitan na ito ni Betty.
Nang mabalitaan ni Ning na na-promote sa trabaho ang kumare niyang si Betty ay agad siyang humiling dito ng regalong laptop para sa darating na kaarawan ng anak. Nang hindi nakuha ang hling na laptop para sa anak, galit na galit si Ning.
Makakasama rin ni Winwyn sa "Wish Ko Lang: Ninang" sina Chrome Casio at Pipay. Huwag palampasin ang Christmas special na ito ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI WINWYN MARQUEZ SA GALLERY NA ITO: