Article Inside Page
Showbiz News
Si Winwyn Marquez ang bibida sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'
Isang natatanging pagganap mula kay beauty queen and actress Winwyn Marquez ang matutunghayan sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Bibida siya sa episode na pinamagatang "Abused Daughter, Unfaithful Wife."
Gaganap siya dito bilang Laly, babaeng nakaranas ng sexual abuse sa murang edad.
Sa kabila nito, makakahanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya.
Pero bakit kaya nagawa pa rin ni Laly na magtaksil sa asawang niyang naging tapat sa kanya?
Makakasama ni Winwyn sa episode sina Epy Quizon, Luis Alandy, Lovely Rivero, Jon Lucas, at Aya Domingo.
Abangan ang brand-new episode na "Abused Daughter, Unfaithful Wife," August 16, 8:15 p.m. sa
Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa
Kapuso Stream.