
Naging kontrobersyal noon ang hiwalayan ng celebrity couple na sina Joey Marquez at Alma Moreno. Sa katunayan, ayon sa anak nilang si Winwyn Marquez, nagalit at nasaktan siya sa pagiging public ng kanilang hiwalayan.
Ngunit matapos ang maraming taon, nanatiling magkaibigan ang mga magulang ni Winwyn at sa pagbisita ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, May 15, kasama ang amang si Joey, nagkwento ito tungkol sa kaniyang mga ang napagtanto sa relasyon ng mga magulang.
“You know, it makes me realize na it's better na hindi sila magkasama. Sometimes, people just don't belong with each other for them to be happy. I mean, I want my parents to be happy also on their own so nakita ko na mas happy sila, mas okay, mas walang away,” sabi ni Winwyn.
Paglilinaw ni Winwyn, hindi niya masasabi kung ito rin ang pananaw ng kaniyang mga kapatid ngunit para sa kanya, mas mabuting wala ng conflict kaysa makitang nag-aaway ang kanilang mga magulang.
“Though I never really saw them fight. Pero I know that there's something happening internally... I'd rather see my parents happy,” sabi ni Winwyn.
Sa kabila ng kanilang hiwalayan, marami pa ring natutunan na leksyon si Winyn sa relasyon nina Joey at Alma.
“Communication, I think, is really important. Importante talaga siya. I mean lagi mong maririnig na communication, and honesty with each other. Honest lang with what's happening, 'wag mong itatago. Kung may problema, 'wag mo itago, mag-usap kayo kaagad,” sabi ni Winwyn.
KILALANIN ANG CELEBRITY COUPLES NA NANATILING MAGKAIBIGAN SA GALLERY NA ITO: