GMA Logo Winwyn Marquez and Nora Aunor
Source: Nherz Almo
What's Hot

Winwyn Marquez, proud na nasampal ni Nora Aunor

By Nherz Almo
Published October 25, 2022 3:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Winwyn Marquez and Nora Aunor


Winwyn Marquez: “Ang saya na masampal ng isang national artist, ng isang Nora Aunor.”

Itinuturing ni Winwyn Marquez na isang karangalan ang masampal ng National Artist for Film na si Nora Aunor.

Nakasama ng dating Owe My Love actress ang batikang aktres sa pelikulang Ligalig, na ipalalabas pa lang sa ilalim ng AQ Prime.

“Naramdaman ko ang sampal niya sa movie na 'to! Abangan ninyo kung bakit. Ang saya ko na nasampal niya ako,” pahayag ni Winwyn sa panayam ng GMANetwork.com at ilan pang piling entertainment media kamakailan.

Patuloy pa niyang kwento, “Kasi, noong una, ayaw niyang gawin. Si Ms. Nora, she didn't wanna do it na lalapat [yung kamay niya sa pisngi ko]. Ayaw niya, dadayain sana.

“Pero siyempre, yung direktor namin, si Direk Topel, kinausap ako kung okay lang. Sabi ko, 'Oo naman, direk, kahit i-back hand pa niya ako, walang problema, go.

“Napaka-humble naman ni Ms. Nora, kinausap pa niya ako, nag-sorry pa sa akin. Sabi ko, 'Okay lang, kahit ilang beses okay lang po sa akin.'

“Noong sinampal niya po ako, masakit po talaga. Pero kahit masakit, ang saya na masampal ng isang national artist, ng isang Nora Aunor, 'di ba? I'm so happy.

“'Tapos, siya yung, 'Uy, sorry.' Parang ayaw ko na nga hugasan yung mukha ko nung time na 'yon, di ba? Kasi, sino ba naman ang ayaw makaeksena si Ms. Nora? 'Tapos ganung eksena pa. So, I was just happy na nagkaroon ako ng ganung opportunity.”

Isang post na ibinahagi ni AQ Prime Stream (@aqprimestream)

Bukod sa sampal, nakaramdam din ng hiya si Winwyn dahil, maliban kay Nora Aunor, kasama rin nila sa pelikula ang isa pang award-winning actor na si Allen Dizon.

Naalala niya ang isang pagkakataon kung saan nagkaroon sila ng group pictorial. Nahihiya raw siya tumabi kina Nora at Allen.

Ani Winwyn, “So, noong nagpi-picture, siyempre, lumalayo ako kasi gusto ko sila (yung mga award-winning) ang magkakasama. Siyempre, ang kapal naman ng mukha ko na tumabi sa kanila. Pero tinatawag ako nina Sir Allen, Ms. Nora. Hinila pa nga ako ni Ms. Nora to stay beside her.”

Noong panahong ito, hindi pa naidedeklarang Best Actress si Winwyn sa International Film Festival Manhattan.

Ngayong award-winning na rin siya, biro ng entertainment media, pwede na rin siyang tumabi kina Nora at Allen.

Natatawang sagot ng aktres, “Hindi pa rin!”

Pangarap daw ni Winwyn na makatrabaho sa mga susunod na proyekto ang iba pang mga batikang aktor sa industriya tulad ni Nora.

“Talagang matututo ka sa mga veteran actors, na kailangan yung mga paa mo nasa ground talaga. Kung gusto mong tumagal, dapat ganun, hindi yung eere-ere ka,”pagtatapos niya.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MOMMY LIFE NI WINWYN SA GALLERY NA ITO: