GMA Logo ruru madrid and sassa gurl
What's Hot

'Wish Ko Lang' episode nina Ruru Madrid at Sassa Gurl, may higit 1.7M views na!

By Racquel Quieta
Published June 15, 2021 10:16 AM PHT
Updated June 15, 2021 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid and sassa gurl


Nakakaantig na 'Wish Ko Lang' episode nina Ruru Madrid, Angela Alarcon, Sassa Gurl at iba pa, pinusuan ng mga netizens.

May higit 1.7 million views na ang video ng 'Sakripisyo' episode ng bagong 'Wish Ko Lang' sa Facebook. Umere ang nasabing episode nitong June 12, Araw ng Kalayaan.

Starring sa 'Sakripisyo' episode ang Kapuso star na si Ruru Madrid. kung saan gumanap siya bilang ang working student na si Manny.

Talagang marami ang naantig sa kuwento ni Manny. Simula kasi nang maglaho ang kanyang ama, siya na ang tumayong padre de pamilya.

Pinagsabay niya ang pagtatrabaho sa maisan at ang kanyang pag-aaral kaya naman hirap siyang makakuha ng mataas na grado sa eskwelahan.

Dahil dito, minsan ay napagsasalitaan siya ng hindi maganda ng kanyang ina (Alma Concepcion).

Simula kasi ng iwan sila ng kanyang ama, tila si Manny ang napagbuntungan ng galit ng kanyang ina.

Mabuti na lamang at nandiyan palagi ang lola (Chanda Romero) at mga kaibigan ni Manny na sina Angel (Angela Alarcon) at (Chikana) Sassa Gurl.

Sina Ruru Madrid, Angela Alarcon at Sassa Gurl sa Wish Ko Lang / Source: Wish Ko Lang

Ngunit isang araw, isang malagim na aksidente ang kinaharap ni Manny sa trabaho nang mahigop ng makina ang kanyang kamay, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Mabuti na lamang at bago siya pumanaw ay nagawa pa ng kanyang ina na humingi ng tawad sa mga pagkukulang niya.

Kasama rin sa 'Sakripisyo' episode ang character actress na si Sue Prado at 'Voltes V' actor na si Matt Lozano.

Bukod sa nakakaantig na pagganap ng cast, inabangan rin ng viewers ang bagong simulang hatid ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales.

Ang Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales / Source: Wish Ko Lang

Tinupad ng bagong 'Wish Ko Lang' team ang pangarap ni Manny para sa kanyang pamilya na magkaroon sila ng sariling negosyo.

Kung hindi mo pa ito napapanood, nasa ibaba ang video ng full episode nito.

Para sa iba pang nakaaantig na kuwento na kapupulutan ng aral at inspirasyon, manood ng bagong 'Wish Ko Lang' tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Bukod kay Sassa, alamin kung sinu-sino pang mga online sensations ang pumasok sa showbiz sa gallery na ito.