GMA Logo Vince Maristela and Cheska Fausto
What's Hot

'Wish Ko Lang' episode trailer nina Vince Maristela at Cheska Fausto, umabot na sa 3.6 million views

By Aimee Anoc
Published March 17, 2023 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Maristela and Cheska Fausto


Pagbibidahan ngayong Sabado ni Vince Maristela ang kuwento ng binatang si Ryan, na tinakasan ng bait matapos na lokohin ng nobya sa "Wish Ko Lang: Love Obsession."

Wala pang isang araw mula nang i-post ng Wish Ko Lang ang trailer ng bagong episode nito na "Love Obsession," umani na agad ito ng 3.6 million views sa Facebook.

Tampok sa "Wish Ko Lang: Love Obsession" ang kuwento ng binatang si Ryan, na tinakasan ng bait matapos na iwan at lokohin ng nobya nitong si Ginnie. Sina Sparkle stars Vince Maristela at Cheska Fausto ang gaganap bilang Ryan at Ginnie.

Makakasama rin nila sa episode na ito sina Sue Prado (Merlita), Simon Ibarra (Fidel), BJ Forbes (Leonel), Ynez Veneracion (Alice), at Sean Lucas (Tony).

Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Love Obsession" ngayong Sabado, March 18, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI VINCE MARISTELA SA GALLERY NA ITO: