
Mayroon na ngayong mahigit 2.5 million views ang trailer para sa Wish Ko Lang: Lihim Ni Mister! episode na ipalalabas ngayong Sabado, February 18.
Tampok ang kuwento ng misis na si Esther, na bibigyang-buhay ni Ashley Rivera, na nahuling nakikipagrelasyon ang mister sa kapwa nito lalaki.
Makakasama ni Ashley sa upcoming episode sina Ahron Villena (Gardo), Tyrone Tan (James), Geneva Cruz (Jenny), at Lady Morgana (Jinky).
Huwag palampasin ang maiinit na tagpo sa Wish Ko Lang: Lihim Ni Mister! ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI ASHLEY RIVERA SA GALLERY NA ITO: