
Hindi inurungan ng Happy ToGetHer star Ashley Rivera ang fun challenge ng GMANetwork.com, kung saan umamin ito sa Kapuso Web exclusive video na Kapuso Confessions.
Isa sa mga sinagot ng Kapuso comedienne ang direktor na tingin niya pinaka-challenging niyang naka-trabaho.
Ayon kay Ashley, hindi niya makakalimutan nang ma-handle siya ng award-winning creative genius na si Joel Lamangan.
Kuwento niya sa Kapuso Confessions, “Pinaka na-challenge ako kay Direk Joel Lamangan, actually kaka-start ko lang umarte nun, 'tapos alam ko na strikto siyang direktor, so natakot talaga ako. Pero nagawa ko naman ng maayos at hindi naman niya ako napagalitan.”
Diretsahan namang sinabi ni Ashley na nagagalingan siya sa award-winning TV idol na si John Lloyd Cruz na gumaganap na Julian sa Happy ToGetHer.
Obserba ng social media star tungkol sa co-star, “Nagagalingan ako kay John Lloyd Cruz, kasi siyempre John Lloyd talaga siya, alam naman natin lahat kung gaano siya kagaling na artista and madadala ka talaga sa pag-akting niya, ['yung mga] emosyon [na ibinibigay niya]. So, yes, napakagaling ni JLC.”
Samantala, sa panayam ng veteran comedienne na si Carmi Martin sa online media conference na hanga siya kay Ashley sa galing nito sa comedy.
Sambit ni Carmi, “Actually, itong si Ashley [Rivera] nakikita ko 'yung sarili ko, parang young Carmi Martin.”
“Pinapakita ko nga 'yung mga pictures ko, sabi ko, 'O, tingnan mo kung ano 'yung mga suot ko noon ganito, ganyan,” dagdag ng aktres. "And I see how she acts, bibong-bibo, ganyan. Magaling-magaling talaga siya sa comedy and very light.”
Kilalanin ang iba pang karakter na mamahalin n'yo sa Happy ToGetHer tuwing Sunday night sa gallery below.